Tips for investing for the long-term?
#1
Hello. Pahingi naman ng tips kung paano maging successful in investing for the long term. Ano ba dapat tingnan sa isang business before bilhin yung stocks? And kailan mo ba malalaman kung kailan mo dapat ibenta yung share mo. Kasi diba yung for long term hindi mo dapat i-withdraw yun? Thanks. Newbie here. Smile
Reply
#2
(06-10-2014, 07:35 PM)vanillaicecream88 Wrote: Hello. Pahingi naman ng tips kung paano maging successful in investing for the long term. Ano ba dapat tingnan sa isang business before bilhin yung stocks? And kailan mo ba malalaman kung kailan mo dapat ibenta yung share mo. Kasi diba yung for long term hindi mo dapat i-withdraw yun? Thanks. Newbie here. Smile

Fundamental analysis yan sis. Madami kang mahahanap sa internet na resources para dyan. Mga online broker, kalimitan meron din silang research at rekomendyason kung anong stock ang pwede bilhin at target price.

Pero sis tanong ko lang sa iyo. Sigurado ka ba na gusto mong mag invest sa stocks(long term)? Malaki na rin kasi inangat ng merkado baka sa tuktok ka na makabili. Hindi ka kaya magpanic kapag nakita mong pula ang iyong portfolio at negatibo na ang returns? Sa ngayon suportado pa ng foreign buying ang ating merkado. Darating din ang oras na magbebenta ang mga iyan. Kahit paper loss lang kasi yan baka kapag katagalan na eh mataranta ka at bigla mong maibenta.

Siguro bago mo isabak ang pera mo, subukan mo muna ito >>> http://stg.pse.ph/html/STG/index.html Makikita mo dyan kung anong mangyayari sa pera mo kapag ipinambili mo na siya ng stocks.
Reply
#3
(06-10-2014, 07:35 PM)vanillaicecream88 Wrote: Hello. Pahingi naman ng tips kung paano maging successful in investing for the long term. Ano ba dapat tingnan sa isang business before bilhin yung stocks? And kailan mo ba malalaman kung kailan mo dapat ibenta yung share mo. Kasi diba yung for long term hindi mo dapat i-withdraw yun? Thanks. Newbie here. Smile

Kung long-term ka gawa ka ng portfolio ng stocks (common or preferred) na maganda ang dividend yield, pero check mo muna ang history ng bigayan nya. Kung kaya ng funds mo, bili ka ng shares na yung makukuha mong dividend ay at least makabili ng isang board lot. Kung hindi naman, dapat may plano ka kung hanggang kelan ka mag-aacumulate. Dahil mahaba ang horizon mo, mas madaming price fluctuation ang mangyayari. Maganda ang cost averaging lalo na kung kumikita ng dividends ang portfolio.

"A man should look for what is, and not for what he thinks should be." - Albert Einstein
Reply
#4
@ippfx Thanks for the tips. Smile
Ano ba ginagamit niyo para icheck ang history ng bigayan nila? Sa akin kasi yung edge.pse.com.ph at bloomberg ang nahanap ko. Meron ba kayong mas informative?

And nalalaman ba kung preferred or common yung stock na bibilhin? Thanks dami ko tanong... hehe
Reply
#5
Thanks @gin_blossoms

Plano ko sana magkaroon ng for long term investments at mag trading din. Pero I'm learning pa talaga at gusto ko matuto muna before mag trading. So ibig ba sabihin hindi gaano kaganda ang long term investing?
Gusto ko sana i-try yung game nila kaso ilang days ng unavailable. Sad
Reply
#6
(06-12-2014, 05:26 PM)vanillaicecream88 Wrote: @ippfx Thanks for the tips. Smile
Ano ba ginagamit niyo para icheck ang history ng bigayan nila? Sa akin kasi yung edge.pse.com.ph at bloomberg ang nahanap ko. Meron ba kayong mas informative?

May info din yata sa broker mo. Pero mas informative ang kay senor INDO (siya in-house expert natin sa dividends) Big Grin

Eto thread nya dito sa SMP: http://www.stockmarketpilipinas.com/thread-40.html

(06-12-2014, 05:26 PM)vanillaicecream88 Wrote: And nalalaman ba kung preferred or common yung stock na bibilhin? Thanks dami ko tanong... hehe

Tingnan mo na lang sa end-of-day report ng PSE, may section na "PREFERRED".

http://www.pse.com.ph/stockMarket/market...html?tab=4




"A man should look for what is, and not for what he thinks should be." - Albert Einstein
Reply
#7
Thanks @ippfx. Very useful tips. Smile
Reply
#8
Why do you not considering good old fixed deposits or something like that for future ? As well as some value papers of government issued funds really. They do pay a bit more than fixed deposits, but it seems that you do not need to pay any taxes or something like that.
Reply


Forum Jump:


Users browsing this thread: 1 Guest(s)