HELP!
Naguguluhan pa din ako sa risk reward ratio. Gusto ko sana to gamitin kaso hindi ko sure kung tama ba pagkakaintindi ko.
Basically eto ang problema ko:
1) Saan ba to puwede iapply? Breakouts? An Uptrend? Dips? In a Range? O sa lahat?
2) Magkaiba pa ba ang Stop Loss at Risk?
2) Ang pagdetermine ba nito ay depende sa sitwasyon ng chart ng isang stock? O kahit ikaw ang gumawa basta malaman mo lang ang potential gain (resistance) at puwede ka na magset ng
SARILI mong risk level? O ang risk level ba ay dapat naaayon din sa chart (support) at hindi puwedeng
ikaw lang nag set?
Para mas maliwanag ay may example ako:
Stock: MA
Nevermind kung mali TA ko sa Resistance :p para lang may example.
So bali sinet ko ang Potential Gain sa Resistance at .064. Ngayon dahil 1:3, the distance between .064 and .054 is 10pts so I divided it up by 3 = .00333333333333. I subtracted it from .054 at lumabas ay .0506666666. I rounded it off to .051.
So yun, ang stop loss ko ay .051. Tama ba ginawa ko?

Tama ba pagkakaintindi ko sa application ng Risk Reward ratio?
O mali ako dahil ayon sa definition ni gbk na:
"the proximity of your entry to your expected/estimated resistance level is the profit potential or reward. And the distance from your entry and the expected/estimate support is the risk. The range between the resistance and support determines your risk-reward ratio. Your entry is a point between that range."
ay dapat ang Risk ko ay sa Support (don't mind it kung mali ulit ang TA ko for Support gusto ko lang may example

) which is .042 according dun sa chart at hindi yung kinalculate kong .051.
Which again means hindi siya good trade dahil hindi na 1:3 ang Risk Reward ratio? (Potential Gain 10pts (.064), Risk 12pts (.042))
Sorry kung nakakalito