Bakit po siya tinawag na Falling Knives?
#1
Meron na naman po ako question sana. Ano po ang falling knives na tinatawag and bakit po siya tinawag na ganito? Pwede po humingi ng example?

Ok talaga merong ganito. Wait ko po kung sino man ang sasagot sa tanong ko. Thank You.
Reply
#2
Ang ibig sabihin po ng falling knives sa aking pagkakaalam eh kung ang isang stock na nabili mo e patuloy bumababa ang presyo at sa akala mo mo ito ay pwede ng bilhin at bumili ka eh lalo pa palang bababa kumbaga ikaw ay average down ng average down hanggang sa ikaw ay malunod na sa stock na iyong napili.

Dapat ang gawin mo ay tingnan mo ang suporta ng napili mo stock at pag nagstabilize na ang presyo saka ka bumili.

Tama po ba ko comdr ollie?

paki edit nalang po kung mali
Reply
#3
Salamat po sir whisper. Lagyan ko po kayo ng +1 sa reputation

Kung meron pa iba sasagot ok lang po.
Reply
#4
...hello to you again Rico Smile teka isipin ko muna papaano ka best na masasagot dito sa tanong mo. Hindi kasi madalas gamitin sa lenggwaheng (sagwa hehe) pinoy ok, "language" Smile ang "falling knives" eh. Hindi iyan alam at hindi yan madalas gamitin ng isang ordinaryong trader na katulad natin. Kapag ginagamit mo na ang salitang "falling knives" sa pakikipag dialogo mo sa kapwa mo trader, medyo angat (sosyal hehe) ka na sa karamihan Big Grin in terms of your stock market language use. Pero I will still indulge you into it in the best way I can since pareho lang naman tayo kabilang sa ordinary trader citizen.

..."falling knives", according to Investopedia Stock Terms, this means "buying into a market (or a stock) with a lot of downward momentum", "dangerous", "extremely risky" and "often implies that the investment will never be a good one AGAIN".

...wow nakakatakot pala. Definition palang atras na 'ko Big Grin Let's have a visual example, and I hope I'm right: BW Resources

[Image: fallingknives.png]

...BW Resources was a small gaming company during the time of former President Estrada that experienced a meteoric rise from just being traded below P3.00 April 1999 to P107.00 Oct 1999 (5,000+% rise in 7 months). What followed after the euphoria of the stock rising into the stratosphere was the "falling knife" you are asking us now Rico (P107.00 to P6.60). Those people that have bought into the stock after the scam blew wide open have bought into the stock that has extreme downward momentum already and were blind buying the stock in a false hope that the stock was just undergoing a correction and that the stock would rise again (yan yung "dangerous" sa definition). Of course, it did not, and those that have been hoodwinked into buying the stock paid dearly.

...the stock has since then been renamed as SUN hahahaha Big Grin ay!

...Rico I hope I answered you question, feel free to ask more questions, pag hindi ko kaya, ipasasagot natin sa iba na magaling...ayus ba? Smile


Reply
#5
...oh I forgot another example...its GEO Big Grin should you wish me to post an example chart, just request for it na lang, baka kasi isipin ni...ay wag na lang Big Grin

...sport lang, all for Nationalism Smile and market education for all


Reply
#6
Big Grin Ano ba real name nung SUN na chart above, BUY na yun hahahaha baka mag shoot up murang mura na prize hahahaha!
Reply
#7
aha comm O. kaya pala alam na alam mo history nito si favorite SUN na pala siya ngayon Big Grin. thanks for the info. very educational po
Reply
#8
Pahabol sa falling knife discussion:

galing yan sa kasabihang "Never try to catch a falling knife". Kung pag isipan mo ng konti, di ba totoo! haha!
The World is a Vampire . . .
Reply
#9
ah ganun, "falling knife" na kapag tinamaan o nahulugan ka dugo aabutin mo Smile
Reply
#10
hi mga maam n sir! hindi ko alam kung appropriate pa gumawa ng bagong thread about this, pero mejo related din kasi dito. may mga terms din kasi ako nababasa sa forums na mejo ndi ko nagegets, parang mga stock slang. ok lang ba magshare kayo? yung ilan sa mga nababasa ko yung lolo, lapu lapung hapon, tsupitero, jockey, basura, etc. thnx!
Reply


Forum Jump:


Users browsing this thread: 1 Guest(s)