hi janvier yan ang kadalasan na problem at questions ng mga tao pag nakapasok na sila sa stock, yung target price.. hehe..
imho perfect yung sagot ni sir epgarias regarding the FV.. yun talaga ang target price ng isang stock. mahirap nga lang masabi kung kailan mararating ang FV ng isang stock kasi maraming factors ang nagcacause ng pagbabago, pagbilis o pagtagal.. nagkakaiba iba din ang target price at exit ng mga trader depende sa play / investing term nila if short term, medium term, long term...
pag short term 15days - 3months
medium term 3months - 9months
long term 9months - 12months
kelangan madetermine mo if short, medium, or long term type of investor ka then learn to draw trendlines ng supports at resistance line sa chart ng stocks mo based sa type of investing term mo.. (short/medium/long) para malaman mo if mag sell kana. Pag nagbreak ang trendline its either you buy more or sell. kadalasan pag nagbreak ang support (support is the concentrated amount of demand/buying interest) , sell na.. Madalas kasi pag nabreak ang support, tendency kasi sa stock price bababa pa ito eh kaya dapat act na agad if mag sell ka.. Kadalasan, ang major resistance or near it ang initial target price.. pag nabreak ang resistance (price tops/concentrated selling pressure that prevents any further advance in price), magkakaron yan ng bagong target price then ang resistance price na bnreak ang magiging support.
example: stock A nabili mo sa 1.80+ may FV na 2.70. its up to you if mag hold at mag wait ka till ma reach niya ang FV niya or mag sell kana pag nabreak ang support trend line mo.. example: nakabili ka sa 1.80 ang resistance is 2.00 so ang initial target price mo is 2.00 or near it.. pag nabreak niya ang 2.00, yung 2.00 ang magiging new support mo at yung next resistance ang new target price niya till mareach niya ang FV niya

so pag talagang FV ang target price mo, kahit mabreak ang several supports/resistance di ka magsell until mareach ng stock mo ang FV niya
So depends parin sayo if happy kana sa profit mo, then sell na.. yung ibang investors kadalasan pag may 20% gain na sell na sila
kaya pinaka gusto ko sa sinagot ni sir gbk yung number 8 "sell when happy"