BROKER ACTIVITY
#1
Hello po mga bro and sis, napansin ko lang minsan may mag post na buying na c broker xxx o kaya selling na c broker yyy. does it really helps if titingnan natin yong activity ng mga broker? ang alam ko lang kasi ang broker ay taga execute lang ng mga orders ng mga traders. Pwede po ba ipaelaborate itong scenario na ito, bakit beneficial ang mag observe sa galaw ng mga brokers.

salamat po! Happy trading sa lahat Big Grin
====================================
Get a Daily Stock Guide with
TheDailyHINT plus FREE Stock reports here!
Reply
#2
^^ tama. ang tinitignan naman talaga ay kung sino ba yung client na nag order through the broker. minsan, di mo talaga malaman kung sino, pero makikita mo, na peborit nung taong yun or tuwing may run up, present si broker na yun at sya ang namamakyaw (accumulator). minsan makikita mo rin na yung broker na yun ang nagbebenta tuwing may selldown (taga benta)

in short, sila yung smart money. the smart money always win because of the golden rule - he who has the gold, makes the rules. so we follow the smart money trail.

an example dito, sa angping stocks, lagi nyo makikita may angping na tagapitik, walang katapusan yan, board lot board lot, araw araw every 3 minutes, lagi yang buy up, walang sell down kahit board lot - in fact, kahit client ka nila, binabawalan kang mag sell down pag bebenta, pwede lang pumoste. alangan naman bili lang sya ng bili ng bili e di nabili na nya lahat ng shares? shempre nagbebenta din yun. anong broker ang ginagamit nya pag benta? kung alam mo, e di pag nakita mo selling sya during run ups, benta ka na din.

buy high, sell higher!

stock market abbreviations (for newbies)
http://www.stockmarketpilipinas.com/post...g#pid11738

"when it comes to trading, i'm just barely smart enough to realize that i'm a total idiot. i might be considered stupid, but on the intelligence scale, it puts me comfortably ahead of all the dumber people who thinks they're better than me."


Reply
#3
Maganda itong topic na ito, bro glenn, pd mo ba ipost kung sino magkakatandem na broker? Example, if si broker xxx ay buying,para d halata selling siya papabenta niya kay yyy diba? If d pd rito sa thread baka pd pakipm na lang.tnx

Trade with a clean conscience.
Reply
#4
Heto for the sake of the newbies.
Very important to lalo na kung mahilig kang magdaytrade or your a position trader. Addition nalang to kay tita glen. (hehehe, nakitita na din) Sori po boss glen.


POREN BROKERS with their corresponding number code

Macquarie 121
UBS Sec 333
JP Morgan 185
HDI Sec 174
Deutsche 209
CLSA 323
C Suise 311
DBP Daiwa 142
UOB 260


"Jakkie" daw sabi nila. (Naku baka malibel nako nito pero paki update na lang sa mga masters dito at baka hindi na updated tong sa akin.

Angping
Abacus
PCCI

"Contrabida" daw sabi nila.

Merridian
R.S. Lim
E. Chua

O ayan kayo na magdagdag at baka may alam pa kayo na hindi ko alam.

Very important din na aralin nyo bawat "character" ng isang stocks.

Hope nakatulong yan. Goodluck sa lahat.

GOD may grant us wisdom always, the kind of wisdom he gave to his servant King Solomon, the richest man ever lived on earth.winkingwinkingwinking
Remember that it is the LORD your GOD who gives you the power to become rich. DEUTERONOMY 8:18
Reply
#5
(10-21-2012, 12:13 PM)project500k Wrote: Maganda itong topic na ito, bro glenn, pd mo ba ipost kung sino magkakatandem na broker? Example, if si broker xxx ay buying,para d halata selling siya papabenta niya kay yyy diba? If d pd rito sa thread baka pd pakipm na lang.tnx

Trade with a clean conscience.

iba iba tandem nito. shempre hindi lang naman iisang klyente ang bawat house. marami silang klyente, so hindi ibig sabihin na kung kasabay ni broker 007 si broker 009 sa pagtulak sa ZZZ stock, ay kasabay ulit ni broker 007 si broker 009 sa pabili sa XXX stock.

bawat stock may kanya kanyang characteristic, kailangan araw araw mo titigan ang transactions, dun mo makikita patterns nila. sa dami ng stocks na meron, imposible ma discuss yan in detail dahil sigurado ubos na bandwidth ng SMP wala pa tayo sa half ng stocks. kaya sa mga ganun, post nalang dun sa individual threads - that's what they're for anyway.
buy high, sell higher!

stock market abbreviations (for newbies)
http://www.stockmarketpilipinas.com/post...g#pid11738

"when it comes to trading, i'm just barely smart enough to realize that i'm a total idiot. i might be considered stupid, but on the intelligence scale, it puts me comfortably ahead of all the dumber people who thinks they're better than me."


Reply
#6
Thank you boss glenn

Trade with a clean conscience.
Reply
#7
Salamat po mga brader, need more research pala kailangan dito, sipag at tyaga kailangan Big Grin
====================================
Get a Daily Stock Guide with
TheDailyHINT plus FREE Stock reports here!
Reply
#8
halimbawa dito ay kunwari namili ng tig 100M shares ng TEL si UBS at si CLSA. tapos nakita mo, ayos a bili ng bili araw araw at namimili tuwing dumidikit sa 50dMA nila. (yun ang pattern nila e).

tapos dahil naki usyoso ka sa floor, nalaman mo na si commander ollie (UBS) pala yun at si tita spy (CLSA)! finally, namukhaan mo na sila! sabay sila namimili kasi bago pala sila mamili nag uusap sila sa gabi na bibili na sila kasi dikit na sa 50dMA!

so yan pala strategy nila sa buying. also alam mo na na yung buying sa UBS na tig 100M ay si commander ollie pala!

kaya lang pano kung namili si commander ollie ng 100M na GLO using UBS? pero hindi na yan trip ni tita spy. pero namimili rin si madam ruach ng 100M na GLO pero gamit nya ATR? o e di hindi na tandem si CLSA at UBS dito, pero tandem si ATR at UBS naman.

ibat ibang tao, may ibat ibang stock na peborit, kaya may makikita kang pattern na lagi si broker XXX ang namimili sa stock na ito. o sya ang naghaharang nito para umakyat, o kaya sya nagbubuhos. madalas yung mga ganyan, sila ang may pinakamaraming hawak na stock nito kaya kaya nilang dalhin ang presyo kung saan nila gusto. madali nila ma buy up (dahil walang shares at nasa kanya lahat) or madali nilang selldown para bumagsak (dahil andami nyang hawak at madali i flood).

minsan makikita mo, aba! bakit si broker UOB namimili ng TEL?! e di naman yun namimili ng TEL kahit kailan a! tapos nung bili sya ng bili, hindi sya binebentahan ni UBS at CLSA! bakit may alam ba si UOB kaya bili ng bili? tapos si UBS at CLSA alam din kaya di nag benta? dyan nag uumpisa ang speculation plays.

ganyan ang laro sa broker watching/selling. totally different from technicals and fundamentals. pwede i combine sa technicals para swabe entry/exit. not for everybody since it involves massive amounts of historical data and screening though a lot of stocks without any buying/selling purpose but just to watch.
buy high, sell higher!

stock market abbreviations (for newbies)
http://www.stockmarketpilipinas.com/post...g#pid11738

"when it comes to trading, i'm just barely smart enough to realize that i'm a total idiot. i might be considered stupid, but on the intelligence scale, it puts me comfortably ahead of all the dumber people who thinks they're better than me."


Reply
#9
Thank you again bro glenn! Sana may kasunod na kabanata pa!
Big Grin

Trade with a clean conscience.
Reply
#10
thanks bro glen pag bigay ng example mas naintindihan ko Big Grin
====================================
Get a Daily Stock Guide with
TheDailyHINT plus FREE Stock reports here!
Reply


Forum Jump:


Users browsing this thread: 1 Guest(s)